Isang Pagpupugay sa Isang Kababayan

Si Emiren(Emily) Deberen Hubade. Siya ay tubong Jaen,Nueva Ecija, 38 taong gulang. Nong taong 1995, isa na siyang Branch Manager ng isang botika sa Pilipinas, Kumikita ng humigit kumulang na sampung libong piso sa isang buwan. Nagtapos siya ng kursong Medical Technology sa Far Eastern Univeristy.

Subalit katulad ng madalas nating naririnig, dala ng kahirapan sa Pilipinas at sa kagustuhan makatulong sa mga mahal sa buhay, siya ay nakipag-isang dibdib sa isang koryano at pumunta sa bansang korea.

Ang napangasawa niya ay si Kang Pom-Sik, 47 taon gulang, isang factory worker. Sila ay pinagkalooban ng dalawang anak na lalaki, 9 at 7 taong gulang.

Siya ay pinarangalan noong Mayo 8, 2006 ng Minister of Health and Welfare bilang pagkilala sa mga sakripisyong kanyang ginugol sa pag-aalaga ng kanyang biyenan na naparalisa sa loob ng humigit kumulang 7 taon. Ang presidente ng Korea ay dumalaw sa kanyang tahanan upang personal na ipaabot ang kanyang mainit na pagbati na naniniwalang higit pa sa kanyang natanggap ang dapat niyang igawad kay emire.

Ayon sa isang pakikipanayam kay emiren, tanging lakas ng loob, ang magagandang kaugaliang itinuro ng kanyang ina, at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ang siyang tanging naging lakas niya sa mga panahong siya'y nanghihina. laking pasasalamat nya sa mga pari at madreng walang sayang sumuporta sa kanya.

Noong tanungin siya tungkol sa payong maibibigay niya sa mga kapwang Filipina na nakakapag-asawa sa mga koreano, sinabi niya: Una, pasensiya ang kailangan upng malampasan ang lahat ng pagsubok. Pangalawa, tiwala sa sarli na kakayanin lahat ng responsibilidad sa buhay. Pangatlo, respeto sa sarili upang respetuhin ng ibang tao.

 Nawa ay magsilbing inspirasyon ang kwento ni Emire sa lahat ng ating kababayan lalong lalo sa mag Filipinang nakakapag-asawa ng koreano upang harapin ang buhay na kanilang pinili, matutong makibagay sa banyagang kultura at tanggapin ang hamon ng pakikipag-asawa ng isang banyaga.